San Miguel target ang ika-31 titulo kontra TNT

San Miguel target ang ika-31 titulo kontra TNT

Sisiguruhin ng San Miguel Beer ang matikas na simula sa kampanya nito para sa ika-31 kampeonato sa pagharap nila sa TNT sa Game 1 ng PBA Philippine Cup Finals ngayong Miyerkules, 7:30 p.m., sa Ynares Center sa Antipolo.

Aminado naman si TNT coach Chot Reyes na mahirap talunin ang San Miguel, kahit pinalakas ng Tropang 5G ang roster.

Natalo ang TNT sa Beermen, 4–2 Finals series noong nakaraang season.

Sa ngayon, dominado ng San Miguel ang All-Filipino conference na may pitong titulo mula 2015, habang huling nagkampeon ang TNT sa Philippine Cup noong 2021.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble