Sen. Bong go, gagawin ang lahat para maipagpatuloy ang programa ng adminitrasyong Duterte

Sen. Bong go, gagawin ang lahat para maipagpatuloy ang programa ng adminitrasyong Duterte

GAGAWIN ni Senator Christopher Bong Go ang lahat para maipagpatuloy ang magandang programa ng adminitrasyong Duterte.

Kasabay ng pag-anunsyo ng pagreretiro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulitika ang pagtanggap ni Sen. Bong Go para tumakbo sa pagka-bise presidente at gagawin ang lahat para maipagpatuloy ang magagandang nasimulan ng administrasyon Duterte.

Tinanggap ni Sen. Bong Go ang hamon na ipagpatuloy ang mga magagandang proyektong nasimulan ng administrasyong Duterte matapos itong mag file ng COC sa pagka bise presidente noong ika-2 ng Oktubre.

Kung papalarin na manalo sa pagka bise presidente, nangako si Sen. Bong Go na magtatrabaho ito ng mabuti hindi lang sa salita kundi sa gawa dahil handa niyang gagawin ang lahat ng makakaya para makapagsilbi sa bayan at hindi bilang reserba lamang.

“Kung papalarin ako at bibigyan ng pagkakataon ng mga kapwa ko pilipino, at sa pagpatnubay ng ating Panginoon, i will be a working vice president na gagawin ang lahat ng aking makakaya para makapagsilbi sa inyo. Hindi ako magiging spare tire o reserba lamang. Asahan ninyo na ako ay totoong magtatrabaho — hindi lang sa salita, kundi sa gawa,”ayon kay Senator Go.

Ayon kay Sen. Bong Go, napagdesisyonan niyang tumakbo bilang bise presidente sa darating na halalan upang maipagpatuloy ang mga magagandang programa at tunay na pagbabagong nasimulan ni Pangulong Duterte at sisikapin na madagdagan pa ang mga ito.

“Napag-desisyunan kong tumakbo bilang bise presidente sa darating na halalan upang maipagpatuloy ang mga magagandang programa at tunay na pagbabagong naumpisahan ni Pangulong Duterte — at sisikapin nating dagdagan pa ang mga ito,”dagdag nito.

Una na aniya rito ang walang tigil nakampanya sa iligal na droga , korapsyon at kriminalidad na tinaguriang “Three Evils of the Society” at ang taungbayan na umano ang humnusga kung mas ligtas na ba ang kanilang mga anak nila at walang pangamba dahil sa mga kriminal at adik.

“Una sa lahat, walang tigil dapat ang kampanya natin kontra iligal na droga, korapsyon, at kriminalidad. Ang taumbayan na ang humusga kung mas ligtas ba ngayon ang mga anak nila at walang pangamba dahil sa mga kriminal at adik,”ayon kay Go.

Ani Go, hindi dapat na masayang ang mga nasimulang laban kung kaya’t sa susunod na anim na taon ay sisikapin nitong lalo pang maproteksyonan  ang buhay at kinabukasan ng mga kabataan para sa kanilang magandang kinabukasan.

“Hindi dapat masayang ang mga nasimulang ito kung kaya’t sa susunod na anim na taon ay sisikapin nating lalong maproteksyunan ang buhay at kinabukasan ng ating mga anak,”dagdag nito.

Sisiguruhin din ni Go, na matatapos ang nasimulang build, buiild build projects ni Pangulong Duterte upang maisakatuparan ang mas maginhawa at komportableng buhay para sa lahat.

“Titiyakin rin nating matatapos ang mga nasimulang build, build, build projects upang maisakatuparan ang mas maginhawa at komportableng buhay para sa lahat,”dagdag nito.

Pagdidiin pa ni Sen. Go na hindi nito sasayangin ang bawat oras, minuto, o pagkakataon na ibinigay sa kanya ng taumbayan na magserbisyo sa kapwa at bilang kapalit ng kanilang tiwala at suporta ay  ibabalik nito ang serbisyong may malasakit, tunay at nararapat.

SMNI NEWS