Singil sa kuryente, nakaambang tumaas sa Enero –Meralco

Singil sa kuryente, nakaambang tumaas sa Enero –Meralco

NAKAAMBANG tataas sa Enero 2023 ang singil sa kuryente, ito ay ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Kasunod ito sa pagsususpinde sa power supply agreement sa pagitan ng Meralco at San Miguel Corporation Global Power.

Matatandaan, nagpadala ng abiso ang SMC Global Power sa Meralco na nagsususpinde sa kanilang kontrata para sa pagsu-supply ng 670 megawatts na kuryente na epektibo nitong Miyerkules.

Ibinasura naman ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon na baguhin ang presyo na napagkasunduan ng Meralco at SMC noong Setyembre.

Iginiit ng ERC na ito ay fixed contract kaya ito ay hindi dapat na mabago.

Kasalukuyan naman nakikipagnegosasyon ang Meralco sa mga generation company para makakuha ng 670 megawatts na supply ng kuryente.

Sa huli, tiniyak ng Meralco na gagawa sila ng paraan upang magsuplay ng sapat na kuryente sa kanilang mga konsyumer.

 

Follow SMNI News on Twitter