Malaysia nagpadala ng search and rescue team sa Turkey

Malaysia nagpadala ng search and rescue team sa Turkey

NAGPADALA ang Malaysia ng 70 special Malaysian Disaster Assistance and Rescue Team sa Turkey upang tumulong sa paghahanap at pagrescue sa mga biktima ng lindol na tumama sa bansa.

Ang 70-member elite smart team na kasama sa misyon ay binubuo ng isang medical team mula sa Royal medical corps, K9 unit ng Malaysian Fire and Rescue Department at isang hazardous chemical materials special team.

Nagpadala rin sa Turkey ng mga gamot at iba pang humanitarian aid.

Pinasalamatan naman ng Embahada ng Turkey sa malaysia ang pagtulong ng Malaysia.

Samantala, kinumpirma ni Malaysian Foreign Minister Datuk Zambry Abdul Kadir na walang Malaysian na naapektuhan sa kalamidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter