BARADONG mga kanal dahil sa tambak na basura sa Brgy. Holy Redeemer, Butuan City ang napili na linisin ng mga Sonshine Philippines Movement (SPM) volunteers bukas ng Sabado, Disyembre 21, 2024.
Ang nakatambak na basura sa nasabing kanal ay nagbabara sa daloy ng tubig kaya siya rin ang sanhi ng pag-apaw ng tubig sa nasabing barangay na nagdudulot ng pagbaha kahit na kaunting pag-ulan lamang ang sa lugar.
Kabilang ito sa nationwide activity para sa “Kalinisan:Tatag ng Bayan”, isang cleanliness drive na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal