Thailand, tuloy ang planong ideklarang endemic ang COVID-19 sa Hulyo 1

Thailand, tuloy ang planong ideklarang endemic ang COVID-19 sa Hulyo 1

INIHAYAG ng Public Health Ministry ng Thailand na itutuloy nito ang pagdedeklarang endemic ang COVID-19 sa Hulyo 1.

Ayon kay Dr. Chakkarat Pitayowonganon ng Department of Disease Control, tinatayang tatagal ng dalawa hanggang apat na linggo ang pagdedetermina kung ang bilang ng kaso ay aabot ng isandaang libo bawat araw.

Ito umano ang worst case scenario na posibleng kahaharapin ng bansa.

Sa kasalukuyan, nasa downward trend na ang bilang ng impeksyon sa bansa.

Samantala, hinihikayat naman ng Health Ministry ang mga negosyo na payagan ang mga empleyado na mag work-from-home sa loob ng pitong araw matapos ang Songkran Holiday.

Ang mga hindi maaaring mag work-from-home ay kinakailangang gumamit ng antigen test kits bago bumalik sa trabaho.

Follow SMNI NEWS in Twitter