NTF-ELCAC, dapat gawing institusyonal ng susunod na administrasyon

NTF-ELCAC, dapat gawing institusyonal ng susunod na administrasyon

DAPAT isulong ng susunod na administrasyon sa bansa ang institutionalization ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Ret. Col James Layug, isa sa kinatawan ng Maypagasa Party-list, mahalaga aniya ang magiging resulta ngayong eleksyon lalo na sa usaping pangkapayapaan.

Pabor din aniya sila na ituloy-tuloy ng susunod na administrasyon ang opensiba ng kasundaluhan laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) upang matapos na ang insurhensiya at karahasan sa bansa.

Ipinunto pa nito na dahil sa patuloy na pagtatrabaho ng NTF-ELCAC, humihina na ang pwersa ng mga sumusuporta sa CPP-NPA-NDF.

“Dahil sa efforts ng (NTF-ELCAC) we are gaining grounds and they (CPP-NPA-NDF) are losing support in the countryside,’yun ang realidad ngayon,” saad ni Layug.

Ayon pa rito, dapat nang tigilan ang patayan at labanan ng mga kapwa Pilipino.

Ani Layug, nakikita rin ng Maypagasa Party-list na nananalo na ang gobyerno sa laban nito sa mga rebeldeng terorista.

Kaya naman, magiging madali at posible nang maihatid ang Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC sa mga malalayong lugar.

Aniya pa, hindi dapat matigil ang NTF-ELCAC dahil posibleng gagamitin na naman ng mga kalaban sa gobyerno kung may makikita silang butas hinggil dito.

Kung papalarin naman sa May 9 election, nais nilang isulong ang policy, predictability, continuity at sustainability sa mga programa ng NTF-ELCAC.

Dapat aniya, lahat ng programa ay nakasentro sa interes ng bansa, komunidad at sa pamilyang Pilipino.

Follow SMNI News on Twitter