U.S. sa mga Pilipinong visa applicant: Gawing public ang inyong social media accounts para sa visa screening

U.S. sa mga Pilipinong visa applicant: Gawing public ang inyong social media accounts para sa visa screening

MAY bagong babala ang United States Embassy sa Pilipinas para sa mga estudyanteng Pilipino na balak mag-aral sa Amerika.

Kinakailangan nang gawing “public” ang social media accounts ng mga aplikante ng student at exchange visitor visas.

Ayon sa embahada, sakop ng panuntunang ito ang mga may aplikasyon para sa F, M, at J non-immigrant visas. Layunin nitong mapadali ang vetting process, para masuri kung ang isang aplikante ay kuwalipikado at hindi banta sa seguridad ng Estados Unidos.

Ngunit sa ilalim ng bagong guidelines ng U.S. State Department, kinakailangan na ngayong buksan ang mga profile sa publiko para matukoy ang anumang anti-American content.

Aminado ang State Department na pansamantalang ipinagpaliban ang pagproseso ng student visa noong Mayo, habang binabalangkas ang patakaran. Ngayon, ipinagpapatuloy na ang mga appointment.

Samantala, kabilang sa mga sinusuri sa social media ang posibleng antisemitic activity o mga gawang may pagkamuhi sa mga Hudyo, na maaari ring magresulta sa visa denial.

Paalala sa mga aplikante—linisin at repasuhin ang inyong social media accounts. Kahit ang lumang post, maaaring ikonsidera sa screening. Kahit hindi ka pa pumupunta sa Amerika, binubusisi na ang iyong online footprint.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble