NAG-courtesy call si US Vice President Kamala Harris kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, hapon ng Lunes, Nobyembre 21.
Sa naturang pulong, umaasa si Pangulong Marcos na mas lalo pang mapagtitibay ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos pagdating sa mga usaping may kinalaman sa seguridad at ekonomiya.
Nasa Palasyo rin sina Vice President Sara Duterte, U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Loss Carlson, DFA Secretary Enrique Manalo at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Una nang nagkita sina Harris at Marcos sa kanilang partisipasyon sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Thailand.
