NCR, halos napanatili lamang ang mababang positivity rate ng COVID-19

NCR, halos napanatili lamang ang mababang positivity rate ng COVID-19

HALOS napanatili lamang ang mababang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula sa 7.6% noong Nobyembre 12 ay bahagyang bumaba sa 7.5% ang positivity rate sa NCR noong Nobyembre 19.

Tumaas naman sa very high ang positivity rate sa Camarines Sur, Isabela, La Union, Tarlac, Aklan, Benguet at Misamis Oriental.

Mayroon ang Camarines Sur na positivity rate na 35.2%, ang Isabela ay 49.4%, La Union na may 20.7%, Tarlac na may 37.7%, Aklan na may 34.9%, Benguet na may 24.7% at Misamis Oriental na may 20.9% positivity rate.

Follow SMNI NEWS in Twitter