Pagbabakuna kontra COVID-19 sinimulan na sa mga guro sa Venezuela

PAGBABAKUNA sa mga guro at vaccination campaign kontra coronavirus o COVID-19 ng Chinese vaccine sinimulan na sa Venezuela noong Lunes ika-8 ng Marso matapos makatanggap ng 500,000 dosis noong Sabado.

Kasabay nito, ang radical quarantine na nagsimula sa South American matapos ang paglitaw ng isang Brazilian strain, na mas mabilis na kumakalat sa coronavirus.

Ang dosis ng Chinese vaccine ay ibabakuna sa mga mahalagang tauhan ng Front-liner.

Ang proseso ng pagbabakuna ay magsisimula sa mga guro, na magsisimula ang klase sa darating na Abril.

Kasabay ng pag-anunsyo ng Pangulo ng Venezuela sa pagbubukas ng klase sa darating na Abril ay sinimulan na ang pagbabakuna sa mga guro sa bansa.

Ipinahayag ni Health Minister, Carlos Alvarado na inaasahan ng pamahalaan na aabot sa 100,000 na mga guro sa bansa ang mababakunahan mula sa Chinese laboratory na Sinopharm.

Ito ay matapos na ianunsyo ni Venezuelan President Nicolas Maduro na muli nang magbubukas ang mga paaralan sa darating na Abril.

Sinimulan ng Venezuela ang immunization program noong Pebrero a-18 matapos itong makatanggap ng unang batch ng bakuna mula sa Russia na Sputnik V vaccine na una namang inilapat sa mga health worker at opisyal ng pamahalaan.

Noong sabado ay binakunahan si Maduro kasama ang asawa nito ng bakuna kontra COVID-19 kabilang na ang ilang mga opisyal ng pamahalaan.

“The first generation of vaccine is positive, but not enough. We need to take care of ourselves because you can, once vaccinated, infect other people (…) I trust that science will soon have a second doses of vaccines that can prevent contagion,” Pahayag ni Maduro.

“we are entering the week of radical quarantine, and we are going to tighten our hand during this week, to say it in a certain way. When I say tighten the hand, it means greater effort, discipline, a greater collaboration of the families, of the community, of the organizations of the People’s Power.” Dagdag niya.

Samantala, aabot na sa 142,338 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Venezuela habang nasa 1,384 na ang nasawi mula rito.

SMNI NEWS