21 member economies ng APEC Summit, pormal nang nagsimula ngayong araw

21 member economies ng APEC Summit, pormal nang nagsimula ngayong araw

OPISYAL nang nagsimula ngayong araw ang pulong ng mga bansang kasapi sa Asia Pacific Economic Leaders’ Meeting sa Bangkok, Thailand.

Personal na sinalubong ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-Cha ang mga miyembro ng APEC sa Asia Pacific Region.

Ilan sa mga unang dumating ay sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Chinese President Xi Jinping, US Vice President Kalama Harris, Canada Prime Minister Justin Trudeau, Japan Prime Minister Fumio Kishida at marami pang iba.

Binuksan ang pulong ng APEC Economic Leaders’ Meeting upang opisyal na talakayin ang iba’t ibang isyu sa rehiyon mula sa ekonomiya, kalakalan na gagawin sa Queen Sirikit Convention Center, Bangkok.

Tiniyak sa nasabing pulong ang pagbanggit sa mas pinalakas na ugnayan ng mga kasaping bansa sa Asia Pacific Region.

PBBM, isinulong ang malayang kalakalan, malakas na ekonomiya at pamumuhunan sa APEC Summit

Sa kanyang pagdalo sa nasabing pulong, muling iginiit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng malayang kalakalan, malakas na ekonomiya at pamumuhunan.

Pero aniya higit na mapapabilis ang palitan ng serbisyo ng mga karatig bansa kung bibigyan ng pagkakataon ang lahat ng uri ng produkto o negosyo o hanapbuhay na makibahagi sa paglago ng kani-kaniyang ekonomiya lalo na sa mga maliliit na mamumuhunan.

Giit ng Pangulo sa mga delegado, may mahalagang papel na ginagampan ang Micro Small and Medium Enterprise (MSMEs) kung sapat ang pagkilala at suporta nito sa pambansa at pandaigdigang merkado.

“We look to this forum as a platform to share best practices. By ensuring that our MSMEs participate in global supply chains, we will have diversified our supply sources, we will have enhanced sustainable and inclusive growth, and strengthened the competitiveness of our economies,” saad ni Pangulong Marcos.

Relasyon ng Pilipinas at Thailand mas pinagtibay DFA

Samantala, tiniyak ng Pilipinas na walang sasayangin na panahon ang gobyerno nito sa bansang Thailand lalo sa mga usapin sa palitan ng serbisyo at pamumuhunan.

Ayon kay Foreign Affairs Multilateral Affairs and International Economic Relations Assistant Secretary Eric Tamayo, kinikilala ng Pilipinas ang kontribusyon ng bansang Thailand sa mga Pilipino.

Sa katunayan, malaking bagay aniya ang suporta ng Thailand government sa pagsisiguro na ligtas ang nasa 100 libong Pilipinong naninirahan sa kanilang bansa.+

Matatatandaang, muling napagtibay ang tiwala ng bansang Thailand sa Pilipinas matapos itong nangako ng panibagong oportunidad para sa mga Pilipino sa larangan ng aquaculture at hog industry sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter