Barangay Ginebra star LA Tenorio, nagpasalamat kay Zanjoe Marudo

Barangay Ginebra star LA Tenorio, nagpasalamat kay Zanjoe Marudo

NAGPAABOT ng pasasalamat ang Barangay Ginebra star na si La Tenorio sa aktor na si Zanjoe Marudo.

Ito ay matapos sa kabila ng busy schedules ng aktor ay nagawa niya pa ring samahan ang kaibigan na si Tenorio upang magpa-check-up sa isang ospital sa Singapore.

Sa Instagram post ng basketbolista, sinabi nito na siya ay blessed na maging kaibigan at pamilya na rin si Zanjoe.

Samantala, magugunita na nitong Abril ibinahagi ng Barangay Ginebra star na wala na siyang tumor matapos sumailalim sa operasyon ngunit hindi pa cancer-free.

Gayunpaman, nanatiling matatag si Tenorio sa gitna ng nararanasan niya ngayon, ika pa nito sa kaniyang post— “Pray, Hope and Don’t Worry.”

Follow SMNI NEWS in Twitter