Bisita sa koronasyon ni King Charles, aabot ng 2-k

Bisita sa koronasyon ni King Charles, aabot ng 2-k

AABOT ng dalawang libong bisita ang dadalo sa koronasyon ni King Charles III ng Britanya sa Mayo 6.

Ayon sa Buckingham Palace, kabilang sa mga ito ay mula sa mga royal family at mga lider sa iba’t ibang bansa.

Ang koronasyon ay gagawin na sa Sabado sa Westminster Abbey kung saan kokoronahan ang bagong hari ng ‘Saint Edward Crown’.

Kokoronahan din ang asawa ni King Charles na si Queen Camilla ng ‘Queen Mary’s Crown’ na una nang isinuot ng great grandmother ni Charles.

Samantala, ang naturang selebrasyon ay gagawan ng isang album at tatawagin itong “The Official Album of the Coronation”.

Kung saan lahat ng kaganapan sa coronation ni Britain’s King Charles ay makikita sa nasabing album.

Follow SMNI NEWS in Twitter