DAR Quezon, inilunsad ang DAR ConNECT upang pabilisin ang pamamahagi ng lupa

DAR Quezon, inilunsad ang DAR ConNECT upang pabilisin ang pamamahagi ng lupa

NAGLUNSAD ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon II ng DAR ConNECT sa pamamagitan ng magkakasabay na pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA’s) sa iba’t ibang lalawigan nito para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs).

Sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya, namahagi ang DAR Quezon II ng 144 na mga titulo ng lupa na may kabuuang sukat na 243.5667 ektaryang lupang agrikultura sa 155 na mga benipisyaryo sa 15 municipal agrarian reform offices.

Ang DAR ConNECT o Continuous Networking and Enhanced Coordination through Technology ay isang inisyatiba at makabagong ideya ng DAR Quezon II upang mapabilis ang pamamahagi ng CLOA at pakikipag-ugnayan sa mga ARBs sa pamamagitan ng birtuwal na pagkakakonekta.

“This modernistic approach shall break the barriers brought by the limitations of the looming threat of the COVID-19 pandemic which our country faces and not disrupt the delivery of services to the DAR clients,”ayon kay Rene E. Colocar, assistant secretary.

Sa makabagong pamamaraang ito ay maiiwasan ang banta ng COVID-19 na kinakaharap ng bansa kung saan tiniyak ng kagawaran na patuloy ang kanilang pamamahagi ng mga lupain bagama’t may pandemya.

Sa pagsisimula ng ganitong uri ng aktibidad na kauna-unahan sa buong bansa kung saan hindi lamang gagawin sa rehiyon ng CALABARZON kundi sa buong bansa.

“Farmers are considered the modern heroes of the society. They are the reason why there is food on our tables. The DAR will continue to provide services, whether or not there is a pandemic or whether the weather is normal or not,”dagdag nito.

Ang kaganapan ay bilang paggunita sa ika-50 Anibersaryo ng Department of Agrarian Reform at ika-33 Anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na may temang, “Kambal na selebrasyon sa taong 2021 para sa tunay na pagbabago sa Repormang Agraryo” at gayundin sa pagsuporta sa “DAR to Door” ni DAR Secretary Atty. John R. Castriciones para sa mabilis na pamamahagi ng mga CLOA’s sa mga ARB.

SMNI NEWS