Patuloy na nag-iinit ang Houston Rockets sa NBA preseason games matapos nilang payukuin ang Atlanta Hawks sa iskor na 133-115.
Sa panalong ito, nananatiling walang talo ang Rockets, na nagpapakita ng magandang kumpiyansa at chemistry.
Nanguna sa opensa ng koponan si Reed Sheppard na gumawa ng 29 points at may tig-anim na assists at rebounds.
Habang nag-ambag din ng 28 points si Josh Okogie.
Kabilang din sa nagtala ng double-digit points para sa koponan sina Isaiah Crawford, Jeff Green, Aaron Holiday, JD Davison, at Kevon Harris.
Sunod namang makakaharap ng koponan ang defending champion Oklahoma City Thunder sa opening game ng nba regular season sa Oktubre 22.
