Orlando Magic tinapos ang preseason games na may malinis na record

Orlando Magic tinapos ang preseason games na may malinis na record

Nagpakita ng impresibong laro ang Orlando Magic sa preseason matapos manatiling undefeated.

Kasunod ito ng kanilang matagumpay na laban kontra New Orleans Pelicans na nagtapos sa iskor na 132-125.

Sa kanilang game, agad na nagtala ng 17 points lead ang magic sa iskor na 38-21 na naging susi upang makontrol nila ang kanilang laro hanggang sa matapos.

Nanguna para sa panalo ng koponan si Franz Wagner na nagtala ng 24 points habang nag-ambag ng double-double 19 points at 10 rebounds si Paolo Banchero.

Sa pagsisimula naman ng regular season sa susunod na linggo, unang makakaharap ng Orlando ang Miami Heat sa Oktubre 23.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble