PASOK na sa NBA Finals ang Indiana Pacers matapos talunin ang New York Knicks, sa score na 125-108, sa likod ng 31 points ni Pascal Siakam at 21-point double-double ni Tyrese Haliburton.
Lumamang ang Pacers sa third quarter at tuluyang sinelyuhan ang serye, 4-2, para makabalik sa Finals sa unang pagkakataon mula 2000.
Ayon kay Haliburton, nabigo man sila sa nakaraang taon ay sisiguraduhin nilang makakabawi ngayong taon.
Malaking hamon para sa Pacers ang Thunder, na may 68 na panalo at pinamumunuan ng MVP na si Shai Gilgeous-Alexander. Pero ayon kay Haliburton na may apat na laro pa silang kailangan maipanalo.
Ito ang ikalawang Finals appearance ng franchise, at susubukan nilang kunin ang unang NBA title kontra sa top-seeded Oklahoma City Thunder sa pagbubukas ng serye ngayong Huwebes.
