Kadiwa Stores, magpapatuloy ngayong taon –DA

Kadiwa Stores, magpapatuloy ngayong taon –DA

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na magpapatuloy ang operasyon ng Kadiwa Rolling Stores.

Ayon kay DA Chief Administrative Officer Junibert de Sagun, magpapatuloy ang operasyon ng Kadiwa Stores dahil sapat ang pondo ng programa para ngayong taon.

Saad din nito na minimal na budget lang naman ang kanilang kailangan para sa operasyon ng Kadiwa Stores dahil marketing linkage lamang ang kanilang ginagawa mula sa mga magsasaka patungo sa mga consumer.

‘’Basically, marketing gauges po ang ating ginagawa. With the assistance po of other government agencies and especially local government units,’’ ani De Sagun.

Mabibili sa mas murang presyo ang lahat ng produkto at pagkain sa Kadiwa Stores na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Disyembre na baka hanggang Pebrero o Marso na lamang ang itatagal ng Kadiwa Stores.

Follow SMNI NEWS in Twitter