Kazakhstan at UAE, pinalalim pa ang ugnayang pang-ekonomiya

Kazakhstan at UAE, pinalalim pa ang ugnayang pang-ekonomiya

PINALALIM pa ng Kazakhstan at UAE ang ugnayang pang-ekonomiya nito at nagkasundong magkaroon ng milyun-milyong halaga ng investment projects.

Nakipagkita ang prime minister ng Kazakhstan kay UAE Pres. Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan kahapon sa Abu Dhabi.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 taon na diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay Kazakh PM Alikhan Smailov, layon ng dalawang bansa na palawigin ang kooperasyon sa lahat ng sektor na mayroong parehong interes.

Kasabay nito ay nag-presenta naman ang delegasyon mula sa Kazakhstan ng 40 investment projects sa emirati companies na nagkakahalaga ng higit $6-B.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa na magpatupad ng investment projects na nagkakahalaga ng $900-M.

Follow SMNI NEWS in Twitter