Medical mission, isinagawa ng militar sa Sulu

Medical mission, isinagawa ng militar sa Sulu

NAGSAGAWA ng isang Medical Civic Action Program (MEDCAP) ang Joint Task Force Sulu sa pakikipagtulungan sa Socio-economic Uplift Literacy and Development Services (SULADS).

Partikular itong isinagawa sa Brgy. Kagay sa Indanan, Brgy. Buhanginan sa Patikul, at Brgy. Kamuntayan sa Talipao, Sulu noong Enero 18 hanggang 20.

Kabuuang 2,080 residente ang nakinabang sa medical mission na kinabibilangan ng medical consultation, minor operations, circumcision, dental check-up, haircut, optical check- up, pamamahagi ng mga salamin sa mata, at iba pa.

Sa isang pahayag, pinuri ni Major General Ignatius Patrimonio, commander ng 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu ang convergence efforts kasama ang SULADS at ang local government unit ng Sulu sa pagdadala ng mga serbisyong medikal sa komunidad.

Hinikayat din ni Patrimonio ang patuloy na pagtutulungan upang mapanatili ang tagumpay sa kapayapaan at seguridad sa lalawigan ng Sulu.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter