PNP, ipinakita ang mga ilegal na armas na nasabat ng CIDG sa Marikina City

PNP, ipinakita ang mga ilegal na armas na nasabat ng CIDG sa Marikina City

IPINAKITA ng Philippine National Police (PNP) ang ilang matataas na kalibre ng baril na nasabat sa raid ng Criminal Investigation and Detection (CIDG) sa isang bahay sa Marikina City.

Sinasabi na ang bahay ay ginagamit bilang factory o pagawaan ng mga bahagi ng nasabing mga armas.

Sa bisa ng isang search warrant, napag-alaman na ang lahat ng mga baril na ito ay ilegal at walang maayos na dokumento.

Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. na malaking tulong ito sa kampanya ng PNP kontra loose firearms partikular na sa umiiral na gun ban sa gitna ng paghahanda para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter