NAKAUWI na ng Pilipinas ang world no. 2 pole vaulter na si EJ Obiena para magpahinga.
Ito’y matapos masungkit ni Obiena ang kauna-unahang gold ng Pilipinas sa 2023 Asian Games.
Sa unang attemp, na-clear ni Obiena ang 5.55 meters; 5.75 meters sa second attempt kung saan nasungkit ang gold.
Para bigyang-diin ang kaniyang panalo, na-clear ni Obiena ang 5.90 meters na sa kaniyang unang attempt na nagtakda ng panibagong record ng Asian Games.
Inalay naman ni Obiena ang kaniyang panalo sa ASIAD sa sarili dahil sa maraming hamon na kaniyang kinakaharap ngayong taon.
Pero ngayong pasok na sa 2024 Paris Olympics si Obiena, inihayag nitong hindi pa niya iniisip ang Olympics.
