EXCITED at inaabangan na ng mga Pinoy ang coronation night ng Miss Universe Philippines na gaganapin bukas April 30 sa Mall of Asia Arena.
Magpapasiklaban sa pageant ang 32 kandidata.
Host ngayong taon ang mga dating Miss Universe na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere ng France at Demi-Leigh Tebow ng South Africa.
Kasama naman sa judges ang reigining Miss Universe 2021 na si Harnaaz Sandhu.
Gaganapin ang coronation night bukas April 30 sa Mall of Asia Arena, alas 7:00 ng gabi.
Samantala, opisyal na itinalaga ng Korea Tourism Organization (KTO) sa Maynila nitong Huwebes ang aktres na si Kyline Alcantara bilang bagong honorary ambassador nito para sa turismo ng Korea sa Pilipinas.
Inanunsyo ni KTO Manila Director Hyung Joon Kim ang appointment ni Alcantara at ipinaliwanag na ang pagpili ng isang local celebrity ay makatutulong sa layunin ng KTO na matiyak na ang South Korea ay mananatiling top-of-mind tourist destination para sa mga Filipino.
Ang KTO ay isang organisasyong inilunsad noong 2012 upang isulong ang turismo sa Korea.
Bahagi ng kanyang tungkulin bilang honorary ambassador, ibabahagi ng aktres ang kanyang mga karanasan sa kanyang pagbisita sa East Asian country sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.
Opisyal din na sisimulan ni Kyline ang kanyang tungkulin bilang honorary ambassador sa April 30 sa pamamagitan ng pagdalo sa unang offline event ng KTO ngayong taon, ang “Ganda Korea DIY” Travel Seminar na gaganapin sa SM North Edsa sa Quezon City.