PBBM at VP Sara, imposibleng maghihiwalay—Atty. Roque

PBBM at VP Sara, imposibleng maghihiwalay—Atty. Roque

IMPOSIBLENG maghihiwalay ang tandem nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News sa gitna ng pang-iintriga sa relasyon ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Dagdag pa dito, ipinunto ni Roque na may isang salita si VP Sara.

Dahil wala namang dapat ikabahala sa relasyon ng pangulo at pangalawang pangulo, inihayag naman ni Roque na posibleng ang magkakaroon lang ng problema dito ay si House Speaker Martin Romualdez.

Muli namang nilinaw ni Roque na hindi mabubuwag ang Uniteam dahil sa matibay na relasyon sa pagitan ng bumubuo nito na sina PBBM at VP Sara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter